My day was simply fine yesterday. From morning, lunch, meryenda, another meryenda, meryenda ulet at tapos yung pag out ng office, Lagay ng kanang hintuturo sa biometrics(hi-tech eh), papogi sa CR, tapos elevator, then kung anong chorva pa ang ginagawa together with my close(feeling) friends(assuming). Pretty typical day for me. Which had happened from the moment I started working here at my current company.
Then one night pauwi na ko. Usual kong route eh office at megamall then bus, pa-Novaliches Bayan. Nagbabayad agad para walang istorbo habang nagpapahinga on the rest of the ride. Then somewhere between santolan and cubao, my sumakay na MMDA. Sa pagkalansing ng konduktor sa baryang nasa kamay ay sabay na abot ng mga pasahero ng kanilang mga bayad. At aba! Etong si Mr. MMDA, bonggang bonggang dedma. Nice. Sira ang gabi.
Makalipas ang maraming araw….
Eto na naman, gabi, doing yung SOP (Standard Operating Procedures) ko (biometrics, papogi, megamall, bus…). Pagkalampas naming sa Muñoz, ayan, may bumusina. Pulis. Slow down naman tong bus, xempre pulis eh. Utos si manong driver, tingin naman si Mr. Konduktor. “Wala yun” ani ni Mr. Konduktor. Habang dahan dahang bumibilis ang aming rollercoaster na bus, bumusina ulit. Tumingin habang sinambit ulit ni Mr. Konduktor ang mga katagang “Wala yun…”. Sa isipan ko, kung may violation man si manong driver, walang powers ang mga pulis at alam nating lahat na MMDA lang ang may kakaibang powers when it comes to road violations. Derecho kami ulit sa aming paglalakbay, tapos sa huling pagkakataon, “beeeeeeeep.” Ayan na. “Pang dinner date siguro ng partner niyang pulis ang kelangan,” sambit ko habang pahawak pa lang si Mr. Konduktor sa handle ng pintuan ng rollercoaster bus namin. Makalipas ang ilang sandal, “Go” sabi ni Mr. Konduktor. Asar…
Makalipas ang mahabang panahon…
Kahapon. August 11, 2009. Doing my SOP again. Santolan. May MMDA na sumakay. Alam ko na kung anong mangyayari, pero titig pa din ako sa MMDA. Makalipas ang mga 1 oras, bumaba siya ng bayan. Xempre di siya nag bayad, “MMDA” eh. Badtrip…
People’s Servant is what we call them. Pero ano ba tong ginagawa nila? Using their “power” to do things they “want.” I guess it runs on the system. They say change yourself first before changing the world. Yup, change yourself first. That’s right, pero di lang naman ikaw ang nagiisa sa mundo diba?
MMDA – Malakas Mangotong Daw Ako
PULIS – Pag Umayaw, Lika, Ikulong kita sa Station.
Yan siguro ang mga ibig sabihin niyan.
How can they gain respect kung ganito sila? Mga nakikita niyo sa TV? Mgagaling sila, nirerespeto? TV po yon.
Kung alam niyo yung commercial ni Puno ng DILG na 3000 pulis ang dinadagdag kada taon.. mejo binago ko siya. “3000 gagong pulis ang tinatanggal taon taon” sana ganyan na lang. kaso baka maubos na ang mga pulis?
Yun lang. wag lang sanang mabadtrip mamaya paguwi.